• Respeto ang pinaka importanteng bagay sa lahat.
a) katumbas na ideya
-Naniniwala si Dr. Jose Rizal na ang mga batas sa kaitaasan at sa moralidad ay nagkakapareha sa isang elemento: respeto.
b)maikling bio ng tao
- Si Dr. José Rizal (Ika-19 ng Hunyo 1861–Ika-30 ng Disyembre 1896) ay pampito sa labing isang magkakapatid. Itinuturing siyang bayani dahil nakapagbigay siya ng buhay at dangal sa ating bansa.
c)iba pang idea
i) Naniniwala siya na kayang magsarili ng Pilipinas at hadlang lang ang gma dayuhan sa pagkakaroon nito ng nasyonalismo.
ii) Naniniwala siya na hindi dahas ang solusyon sa mga hindi pagkakaayos.
• Iwasan ang anumang gawain na makapagpapababa sa marka sa paaralan.
a) katumbas na ideya
-Ang tamang gawain sa hinaharap ang pinakamalaking paraan ng paghingi ng tawad sa mga maling gawain noong nakaraan.
b)maikling bio ng tao
-Si Tryon Edwards ay ipinanganak noong 1809 at namatay noong 1894. Isa siyang teyolohista( theologian) na nakapaglathala ng ilang mga libro.
c)iba pang idea
i) Huwag mamili sa pagitan ng dalawang demonyo; Piliin ang dalawa sa dalawang diyos.
ii) Ibahagi mo sa iba ang iyong mga nalalamang mga magagandang bagay.
• Ang pagpasok sa paaralan ang pinakamahalagang kontibusyon ng kabataan sa ikauunlad ng bayan.
a) katumbas na ideya
-Mas dalaing pangunahan ang mga tao sa tulong ng edukasyon, ngunit mas mahirap naman silang maneobrahin. Mas madaling pamunuan ang mga tao sa tulong ng edukasyon, ngunit mas mahirap naman silang alipinin.
b)maikling bio ng tao
- Si Henry Brougham ay ipinanganak noong September 19, 1778 at namatay noong May 17, 1868. Isa siyang matalinong bata na nagtapos ng abogasya.
c)iba pang idea
i) Mabuting magbasa ng lahat tungkol sa isang bagay, at isang bagay tungkol sa lahat.
ii) Ang isang abogado ay isang maginoong nagsasalba ng iyong mga ari-arian sa iyong mga kalaban at itatago ito para sa kanyang sarili.
• Gawing legal ang mga talamak na illegal na gawain para makatulong sa pagdaragdag ng pondo ng bansa.
a) katumbas na ideya
- Ang droga ay illegal dahil daw sa ito ay nakamamatay ngunit karapatan naman ng tao na mamatay kaya’t dapat na itong gawing legal.
b)maikling bio ng tao
- SI Milton Friedman ay isang ekonomista at propesor. Ipinanganak siya noong July 31, 1912 at binawian ng buhay noong November 16, 2006. Siya ay nakatanggap na rin ng Nobel Prize.
c)iba pang idea
i) Hindi natututo ang gobyerno; tao lang ang natututo.
ii) Ang solusyon ng gobyerno sa isang problema ay kasing sama rin nung problema mismo.
• Ang pagkutya sa ibang tao ay isang mortal na kasalanan.
a) katumbas na ideya
- Hinuhusgahan natin ang ating sarili batay sa ating kapasidad ngunit hinuhusgahan natin ang iba batay sa kung ano na ang ating nagawa.
b)maikling bio ng tao
- Si Henry Wadsworth Longfellow ay isang manunulat at isang guro. Ipinanganak siya noong February 27, 1807 at namatay noong March 24, 1882. Sinasabing siya ang pinakasikat na manunulat noong kapanahunan niya.
c)iba pang idea
i) Binibigay ng pag-ibig ang kanyang sarili; Hindi ito nabibili.
ii) Gusto ng mga tao ng kalayaan kapag wala lamang silang kapangyarihan.
• Ang UP ay ang primerong unibersidad sa Pilipinas kaya ang lahat ay dapat gawin para mapanatili ang kaayusan, integridad at imahe nito.
a) katumbas na ideya
- Ang isang kasinungalingan ay wawasak sa buong reputasyon ng integridad.
b)maikling bio ng tao
- Si Baltasar Gracián y Morales (January 8, 1601 – December 6, 1658) ay isang espanyol na Jeswita, Guro at Pari.
c)iba pang idea
i) Mas mabuti pang maging galit sa buong mundo kaysa naman maging matalinhaga kang mag-isa,
ii) Makinig o matuto doon sa may mga alam.
• Edukasyon ang pinaka importanteng sangay ng pag-unlad at dito dapat nilalaan ang mga pondo.
a) katumbas na ideya
-Mas dalaing pangunahan ang mga tao sa tulong ng edukasyon, ngunit mas mahirap naman silang maneobrahin. Mas madaling pamunuan ang mga tao sa tulong ng edukasyon, ngunit mas mahirap naman silang alipinin.
b)maikling bio ng tao
- Si Henry Brougham ay ipinanganak noong September 19, 1778 at namatay noong May 17, 1868. Isa siyang matalinong bata na nagtapos ng abogasya.
c)iba pang idea
i) Mabuting magbasa ng lahat tungkol sa isang bagay, at isang bagay tungkol sa lahat.
ii) Ang isang abogado ay isang maginoong nagsasalba ng iyong mga ari-arian sa iyong mga kalaban at itatago ito para sa kanyang sarili.
• Magkaroon ng mabuti at mahusay na kalidad ng edukasyon.
a) katumbas na ideya
- Ang edukasyon ay nakapaglikha ng mga taong marunong bumasa ngunit hindi lahat ng mga nilikha nito ay alam kung ano ang dapat basahin.
b)maikling bio ng tao
- George Macaulay Trevelyan, (16 February 1876 – 21 July 1962), ay naging isang guro, mananalaysay, at nakasulat rin siya ng ilang mga lathalain at mga libro.
c)iba pang idea
i) Ang pagkagalit ay pansamantalang pagkamuhi, kaya dapat matuto kang kontrolin ang iyong simbuyo ng damdaming o ito ang magkokontrol sa iyo.
ii) hindi nanggagaling sa diwa ang gawain kundi sa pagiging handa sa isang responsibilidad.
No comments:
Post a Comment