1. Pagtatayo ng Computer Shops sa harap ng eskwelahan
Opinyon: Dapat ipagbawal ang pagtatayo ng "computer shops" sa harap ng eskwelahan.
Argumento: 1. Tinitipid ng bata ang kanyang sarili upang makapaglaro ng kompyuter.
2. Nagiging sanhi ito ng pagliban ng ibang mag-aaral sa eskwela.
3. Nakakapagpababa rin ito ng marka ng mga estudyanteng nahuhumaling dito.
2. Pagpapagupit ng buhok ng mga estudyangteng nasa elementarya at sekundarya
Opinyon: Hayaan na lang na magpahaba ng buhok ang mga estudyante kung nais man nila.
Argumento: 1. Wala namang epekto ang buhok nila sa kanilang pag-aaral.
2. Marami sa mga estudyante ay mga mahihirap at hindi nila kayang magpagupit ng madalas.
3. Kung minsan ang pagpapagupit ng buhok ng mga estudyante ay siyang nagiging dahilan kung bakit hindi pumapasok ang estudyante sa paaralan.
3. Pagbawas ng 1.39B sa badyet ng UP na ibinibigay ng gobyerno
Opinyon: Huwag bawasan ang badyet, bagkus dagdagan.
Argumento: 1. Magiging sanhi ito ng pagtaas ng matrikula na siyang magiging dahilan ng hindi na pagpasok ng ibang mga mag-aaral
2. Mas lumalayo tayo sa bansag na "Iskolar ng Bayan" kung patuloy na babawasan ang badyet.
3. Sayang ang mga matatalinong mahihirap dahil hindi nila makakayanaan ang masyadong mataas na matrikula.
4. Pork Barrell
Opinyon: Huwag nang bigyan ng Pork Barrell ang mga mambabatas.
Argumento: 1. Nagiging sanhi ito ng katiwalian
2. Hindi ito epektibo sapagkat wala masyadong Transparency sa ating lugar
3. Mas maganda kung ilaan ang pondong ito sa mga mas mahahalagang bagay gaya ng edukasyon.
5. Prostitusyon
Opinyon: Dapat gawing legal ang prostitusyon
Argumento: 1. Makatutulong ito upang tumaas ang GNP natin.
2. Makaaakit ito ng mga turista sa ating bansa
3. Kahit illegal ito ay hindi naman masugpo ng tuluyan kaya dapat ay gawin na lang itong legal.
6. Sigarilyo
Opinyon: Dapat patawan ito ng sin taxes.
Argumento: 1. Makakatulong ito upang tumaas ang kita ng ating bayan.
2. Mas kaunti na ang gagamit nito dahil sa pagtaas ng presyo.
3. Mas kaunti rin ang magbebenta dahil mas magmamahal ang presyo.
7. Sex Education
Opinyon: Ipagbawal ang pagtuturo nito sa elementarya.
Argumento: 1. Magulang na dapat ang nagbubukas ng ganitong mga usapan sa kanilang anak
2. Hindi pa angkop ang pag-iisip ng mga bata sa ganitong mga bagay.
3. Kapos ang ating bansa sa badyet.
8. 12 na taong pag-aaral sa elementarya at sekundarya
Opinyon: Manatili na lang sa sampung taong pag-aaral.
Argumento: 1. Mas tatamarin ang mga taong mag-aral dahil sa haba ng taon na gugugulin nila.
2. Mas mainam na ayusin muna ang ating sistema sa edukasyon sa ngayon.
3. Walang sapat na pondo para sa mga bagong guro at silid-aralan.
9. UPCAT
Opinyon: Dapat dalawang screening ang UPCAT.
Argumento: 1. May mga pumapasa dahil nangongopya sa katabi.
2. May mga pumapasa dahil sa swerte.
3. Mas masasala ang mga estudyanteng mag-aaral sa UP kung dalawang beses silang isasala.
10. Hacienda Luisita
Opinyon: Dapat ibigay ito sa mga magsasaka.
Argumento: 1. Ang mga magsasaka ang mga naghirap para sa Hacienda.
2. Mas mapagbubuti nila ang pagsasaka kung mas malaki ang kanilang kikitain.
3. Karapat-dapat ibigay sa kanila ang lupain dahil matagal na silang nagtrabaho roon.
11. Puskal/Askal
Opinyon: Dapat hulihin ang laboy na mga ito.
Argumento: 1. Nagiging sanhi ito ng sakit sa iba.
2. Ang kanilang mga dumi ay isang malaking perwisyo sa kumunidad.
3. Malaking abala sila kung mamamatay.
12. Holidays
Opinyon: Dapat hindi inuurong ang araw ng paggunita sa isang Holiday.
Argumento: 1. Nawawala ang essensya ng pagdiriwang ng isang pangyayari kung hindi ito gugunitahin sa mismong araw kung kailan ito naganap.
2. Mas hindi na ginugunita ang nasabing kaganapan kung gugunitahin ito sa ibang araw.
3. Nawawalan ng importansya ang nasabing pangyayari kung patuloy itong gagawin.
13. Jejemon
Opinyon: Pabayaan na lang silang mamuhay ng taimtim.
Argumento: 1. Ang pagkutya sa mga jejemon ay nagiging isa sa mga dahilan ng hindi pagbubuklod-buklod ng mga pilipino.
2. Wala naman silang ginagawang masama sa atin.
3. Respeto na rin ang paggalang sa kanilang gusto.
14. Jueteng
Opinyon: Dapat gawing legal ang Jueteng.
Argumento: 1. Masyado nang talamak ang Jueteng dahil mga mambabatas pa mismo ang siyang namumuno sa mga ito.
2. Parang magiging lotto lang ito kung saan ay makakatulong ito sa ating bayan.
3. Ang mga sumusugpo sa Jueteng ay pwede nang sumugpo sa iba pang mga bagay kung gagawing legal ang Jueteng.
15. Same sex marriage
Opinyon: Dapat payagan na ang pagpapakasal ng mga taong parehas ang kasarian.
Argumento: 1. Hindi naman sila makadaragdag sa populasyon natin.
2. Ang pagpapakasal nila ay inaayawan lang naman ng simbahan.
3. Mas tunay ang pagmamahal nila sa isa't isa kung magpapakasal sila at mas magiging responsable na sila, ata kung minsan ay mag-aampon sila dahil nga hindi sila magkakaroon ng anak.
16. Resulta sa UPCAT
Opinyon: Dapat gawin itong konpidensyal.
Argumento: 1. Nakakahiya naman para sa mga hindi pumasa sa UPCAT.
2. Mas mainam kung sa isang sulat na lamang malalaman ng mga estudyante kung pumasa sila o hindi.
3. Mas mainam rin na sa sulat na lang para hindi na magkasiksikan sa UP kada labas ng mga resulta.
17. Pagtuturo gamit ang Powerpoint
Opinyon: Dapat ipagbawal na ito.
Argumento: 1. Mas mainam kung magtuturo ang isang guro gamit ang chalk at blackboard
2. Mas tatamaring magsulat ang mga estudyante dahil umaasa na lang sila sa kopya ng Powerpoint na ibinibigay ng guro.
3. Mas mabilis ang pagtuturo gamit ang Powerpoint kung kaya't hindi nakasasabay ang iba sa bilis.
18. UP Flag Ceremony
Opinyon: Dapat lahat ng mga estudyante ay dumadalo sa Flag Ceremony
Argumento: 1. Bilang isang National University dapat tayo ang mamuno sa pagkakaroon ng Flag Ceremony at dapat lahat ng estudyante ay dumalo.
2. Dapat ang mga estudyante ay magkaroon ng malaking respeto sa kanyang bansa at sa kanyang eskwelahan.
3. Ang pagkakaroon ng ganitong serimonya ay nagpapatibay sa nasyonalismo ng mga estudyante.
19. Pandaraya sa mga pagsusulit
Opinyon: Sa oras na mahuli ang mag-aaral na mandaya ay agad na siyang papatalsikin sa unibersidad.
Argumento: 1. Sa ganitong paraan ay madalang na lang ang mga mandarayang tao sa UP.
2. Matutulungan nitong buhaying muli ang integridad na ipinagmamalaki ng UP.
3. Kung gagawin ito ay mapaninindigan na ng UP ang kanilang motto na "Honor Excellence".
20. Mga demonstrasyon sa UP
Opinyon: Dapat ipagbawal ito tuwing martes hanggang biyernes.
Argumento: 1. Nakakasira ito sa konsentrasyon ng mga mag-aaral na kasalukuyang sumasagap ng mga mahahalagang impormasyon.
2. Pumasok sila sa UP para mag-aral, mas importante ang pag-aaral kaysa sa pagpoprotesta nila dahil ang pag-aaral ang natitirang susi sa pag-unlad ng ating bayan.
3. Mas makakaiwas na rin sa mga aksidente kung magpoprotesta sila sa mga araw na wala masyadong tao sa UP.
21. Vandalism
Opinyon: Ang sinumang mahuli na gumagawa nito ay dapat na makulong kaagad at kung ito ay estudyante ng UP ay kaagad itong patalsikin sa unibersidad.
Argumento: 1. Sinisira lamang nito ang kagandahan ng unibersidad.
2. Inaaksaya niya ang badyet ng UP.
3. Hindi niya nirerespeto ang ating paaralan.
22. Pagtulog sa klase
Opinyon: Ipagbawal dapat ang pagtulog sa klase.
Argumento: 1. Hindi matututo ang mag-aaral kung matutulog lang siya.
2. Sinasayang lang niya ang pondo ng bayan; hindi niya ginagawa ang kanyang tungkulin.
3. Nagiging sanhi rin ito ng pagbagsak ng marka ng isang estudyante.
23. Homosexuality
Opinyon: Hulihin ang mga nangungutya sa kanila.
Argumento: 1. Desisyon nila iyon, respetuhin natin.
2. Kahit ganun sila ay mga tao pa rin naman na may puso at nasasaktan, hindi dapat tayo nanghuhusga kaagad dahil hindi natin alam ang dahilan nila.
3. Pag hinuli ang mga nangungutya ay mas kaunti na ang mga taong patuloy na mangungutya sa kanila.
No comments:
Post a Comment